Sa ilang linggong pamamalagi sa sinapupunan mo ina,
Sobrang saya't ako'y hindi na makapaghintay pa,
Ilang linggo na lang ang natitira't ako'y iluluwal mo na.
Pero bakit tila ako lang ata ang
masaya?
Napapansin ko kasing lagi kayong
nag-aaway ni ama,
Sa tuwing nag-uusap kayong dalawa,
“ipa abort nalang natin yan” ang
lagi kong naririnig sa kanya,
“natatakot ako” sabay iyak ang lagi
mong sagot sa mungkahi nya.
Problema ba'y dulot ko ng malaman
n'yong ako'y nabuo?
Aborsyon ba ang solusyon ninyo upang
takasan ito?
Pagkakataon ang hinihingi makita lang
mundo ninyo,
Pero bakit parang nahihirapan kayong
ibigay ito?
Mungkahi ni ama'y huwag bigyang pansin,
Makalabas lang ako't kayo ay ngingiti
rin,
Makikita nyo ang gandang aking angkin,
Tiyak kayoy mag-aagawan sa akin.
Ina! Ako'y tulungan nyo!
Tabletang ininom mo'y balat ko'y
napapaso,
Mali atang bitamenang ibinigay ni ama
sa iyo,
Sapagkat katawan ko'y unti-unti ng
naglalaho.
Ito na ba ang mungkaheng dati ay ayaw
mo?
Isip mo'y biglang nagbago at sinunod
ito,
Sa ganitong paraan nyo ba tatakasan ang
obligasyon nyo?
Kahit pumatay kayo? basta't para sa
kapakanan ninyo?
Mahal na mahal ko kayong dalawa ni ama,
Kahit pa man buhay ko'y inyo ng pinag
walang bahala,
Sana kayo ay magiging masaya sa
desisyong inyong ginawa,
Ligtas na kayo sa gali't kahihiyan na
maidudulot ko sana.
Aking pagka-wala'y huwag ipag-alala,
Sa kabilang buhay ako ay magiging
masaya kapiling nya,
Desisyon n'yo ngayon 'wag nang ulitin
pa,
Buhay ng kapatid ko sa aki'y huwag
igaya.
Assignment scores
ReplyDeleteCriteria:
20 pts – content, depth and creativity
10 pts – Grammar
10 pts - Timeliness
for week 1: Short story
Content - 18
Grammar - 9
Timeliness - 9
total: 36/40
for week 2: Poem
content: 20
grammar: 10
timeliness: 9
total: 39/40