Alamat ng SAGING
Sa lugar ng Mahiwaga, kung saan
naninirahan ang pamilya ni Paging, isang mabait at mapagmahal na asawa ni Saly.
Sila ang bagong kasal na walang ibang hinahangad kundi ang katahimikan ng buong
baryo na kanilang nilipatan. Isang araw, ng pauwi na si Paging sa kanilang
bahay sa Mahiwaga, naabotan niya ang kanyang asawa na si Saly na nakikipag away
sa kanilang kapitbahay. “huwag ninyo kaming gawing dahilan!” narinig niyang
sigaw ni Saly sa kaaway nito. Simula ng lumipat sila sa baryong ito, naging
parang tinik na sila sa mga taong naninirahan dito. Hindi malaman ni Paging kung
anong ikinagagalit ng mga taga Mahiwaga sa kanila ng kanyang asawa.
Panghuhusga, panglalait at kahit ano pa ang natanggap nilang mag-asawa simula
nong unang araw pa lang nila dito. “malas kayong mag-asawa! Simula ng dumating
kayo dito, hindi na tumubo ang lahat na mga pananim namin dito! Lahat na mga
halaman na tanging pinagkikitaan ng aming mga pamilya.”- narinig niyang sabi ng
kanyang kapitbahay. Sila pala ng kanyang asawang si Saly ang ginawang dahilan
ng pagkamatay ng mga halaman at puno na hindi naman dapat.
![]() |
Noong araw na
lumipat sila rito, ay siya ring araw na humampas ang napakalakas na bagyo at
lahat ng mga pananim ay ni kahit isa walang naka ligtas. “mga walang hiya! Tayo
pa ngayon ang gagawin nilang dahilan kung bakit hindi na ulit tumubo ang mga
halaman nila? Alangan namang tayo ang magtatanim para sa kanila? Kung ang
pinagtsitsimisan lang sana nila araw-araw ay sana inilaan nila sa pagtatanim sa
mga namatay nilang halaman at puno, eh di sana nakapagbunga na ‘yong puno na
sana natanim na nila noon pa!”- galit pa ring na sabi ni Saly. “tama na nga.
Hayaan mo na lang sila kasi.” – malumanay na sagot ni Paging. Hindi talaga
mahilig si Paging sa kahit anong away. Tanging ang mga kapitbahay lang nila ang
mahilig nito. Umakyat saglit si Paging sa kanilang kwarto para magbihis muna
saglit.“Kuma-----.. “tok.tok.tok”. Hindi naituloy ni Paging ang gusto niyang
itanong kay Saly kung nakakain na ba ito ng may bigla na lang kumatok sa
kanilang pintuan, “Tulong. Tulong. Tulongan niyo ako.” –nanlaki ang kanilang
mata ng bigla nilang marinig ang tinig ng isang matandang babae na humihingi ng
tulong. “buksan mo Paging”- utos ni Saly na may kunting takot sa sarili.
Napaisip naman si Paging, dahil kahit kailanman, wala ni isa sa kanyang mga
kapitbahay ang yumapak sa kanilang bakuran. “tulongan ninyo akooooo.” Muli ay
narinig naman nila ang tinig ng matanda. ![]() |